Ano ang WITS Program?

Ang W I T S ay nagtuturo sa mga bata ng mga diskarte na makakatulong sa kanilang makagawa ng ligtas at mabuting pagpapasya.

Nag-uwi ba ng ganitong card ang iyong anak?

Kung oo, nangangahulugan itong isa ang paaralan ng iyong anak sa maraming paaralan na gumagamit ng mga diskarte ng WITS upang matugunan ang pambu-bully, pandidiskrimina, at iba pang mga problema.

Ang W I T S  ay nangangahulugang:

Walk away
(Lumayo)

Ignore
(Huwag pansinin)

Talk it out
(Daanin sa usapan)

Seek help
(Humingi ng tulong)

Sa paaralan, ito ang mga diskarteng itinuturo sa mga bata para maayos nila ang mga away o hindi pagkakaunawaan.

Mayroon ka ring mahalagang tungkulin. Kapag “ginagamit ng mga bata ang kanilang WITS” sa bahay, mayroon silang karaniwang pariralang ginagamit sa loob at labas ng paaralan. Nakakatulong ito para matandaan ng mga bata ang mga diskarte ng WITS, para matutunan nilang lumutas ng ilang problema nang walang tulong.

Narito ang ilang paraan upang masuportahan mo ang mga bata:

  • Talakayin ang tungkol sa apat na diskarte ng WITS
  • Magkuwento o magbasa ng mga aklat na may kaugnayan sa mga temang ito, at talakayin ang mga ito kasama ng iyong mga anak
  • Kapag nakaranas ang iyong anak ng hindi pagkakaunawaan, tanungin siya kung paano sana niya naayos ang mga bagay-bagay sa ibang paraan gamit ang kanyang WITS
  • Tingnan kung paano ginagamit ng iba – sa mga aklat, sa tunay na buhay, sa TV – ang mga diskarte ng WITS para lumutas ng isang problema

Hinihikayat ka naming bigyang-diin ang mga diskarteng ito sa iyong mga anak.

Ang WITS Programs Foundation ay isang organisasyon ng kawanggawa sa Canada na nagtatrabaho upang matiyak na lahat ng bata at kabataan ay mamumuhay, matututo, at makakapaglaro sa mga ligtas at mapag-alagang komunidad.